Home METRO P700K cocaine buking ng BOC

P700K cocaine buking ng BOC

157
0

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P717,000 halaga ng cocaine ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark sa isang parsel na unang idineklarang naglalaman ng mga “hoodies at T-shirts” na nagmula sa Amerika.

Ayon sa BOC, dumating ang nasabing kargamento noong Nobyembre 22, 2023, na nagmula sa Los Angeles, California, USA kung saan sumailalim ito sa profiling tulad ng x-ray scanning at K9 sniffing.

Dahil sa kahina-hinalang laman ng nasabing parsel, isinagawa ang pisikal na pagsusuri na nagresulta sa pagkakadiskubre ng nasa 135.24 gramo ng puting powdered substance na hinihinalang ilegal na droga.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang kanilang nakuhang samples ay cocaine makaraang isailalim ito sa chemical laboratory analysis, na isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dahil dito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang nasabing kontrabando dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A.
No. 9165.

“The BOC will not waver in our fight against illicit drugs and will continue to put in more effort alongside our partner agencies to eradicate drug trafficking and smuggling into our nation,” ani BOC Commissioner Bienvenido Rubio. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here