Home NATIONWIDE P8.7B matitipid sa sibakan ng trabaho sa gobyerno – DBM

P8.7B matitipid sa sibakan ng trabaho sa gobyerno – DBM

MAAARING makatipid ang gobyerno ng hanggang P8.7 billion sa pamamagitan ng batas na nagkakaloob kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihan na i-rightsize ang burukrasya.

“Sir, initial data lang po muna. If 3% are rightsized from this program, around P3 billion worth of savings po ang mage-generate,” ang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Wilford Wong sa isinagawang consultative meeting hinggil sa Senate Bill 890, o mas kilala rin bilang “Rightsizing the National Government Act of 2022.”

“It depends po on the tier, the number of employees, or the programs that will be rightsized. If, for example, 7% will be rightsized… the net savings will be approximately P8.7 billion po,” aniya pa rin.

Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala si Senator Chiz Escudero ukol sa halaga na nauugnay sa separation fees, kinuwestiyon kung kailan ang panukalang savings ay napagtanto.

“Kelan ma re-realize ‘yung P3 billion if 3% is rightsized or if 3% avail? Because you have a cash-out also eh, ‘di ba?” ang tanong ni Escudero.

Bilang tugon, sinabi ni Wong na magsusumite ang DBM ng karagdagang detalye sa Senado.

Sa ulat, iginiit naman ni Senator Win Gatchalian na ang P3 billion savings ay maliit kumpara sa kasalukuyang P6.3 trillion budget.

“I hope that this is not only fashionable, Mr. Chairman, dahil alam niyo naman sa US [that] they created a Department of Government Efficiency… It’s an incomplete figure because you have to pay separation din eh. Maglalabas ka muna ng pera bago mo kitain yan eh,” aniya pa rin.

Matatandaang, sinabi ng DBM na ang pagpapasa ng National Government Rightsizing Program (NGRP) para maging batas ay magbibigay pahintulot sa reclassification ng posisyon para punan ang mga bakante sa gobyerno, tiyakin ang pinakamainam na paggamit sa manpower resources sa iba’t ibang ahensiya. Kris Jose