MANILA, Philippines – Nabahala ang mga senador sa P8.9 bilyong halaga ng farm-to-market road (FMR) projects na umano’y “swapped” dalawang araw matapos na aprubahan ng bicameral conference committee (Bicam) ang proposed 2026 budget ng Department of Agriculture (DA).
Sa ikaapat na araw ng bicam deliberations, sinabi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, na nagpasa si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng liham na may petsang Disyembre 15 na naglilista ng mga proyekto ng FMR na hindi kasama sa bersyon ng inaprubahan ng bicam noong Disyembre 13.
“After we approved the DA budget that evening… [on] December 13, the bicam approved the DA budget. On December 15, the DA Secretary wrote to the chairperson submitting a list of farm-to-market road projects with coordinates, amounting to the same P33 billion that we approved,” ani Pangilinan.
“Except that P8.9 billion worth of projects were introduced in the December 15 letter, which were not on the list approved on December 13,” dagdag pa niya.
Ayon kay Pangilinan, ipinaliwanag ni Tiu Laurel na kailangang magpasa ng DA ng bagong listahan dahil ang naunang submission ay isinagawa nang wala ang kanyang approval dahil siya ay naka-medical leave nang mga panahong iyon.
Iginiit ng senador na ang Senado ay maninindigan sa listahan ng FMR projects na inaprubahan noong Disyembre 13 hangga’t walang miyembro ng bicam ang tututol dito.
Nilinaw din niya na ang mga proyektong inaprubahan noong Disyembre 13 na nagkakahalaga ng P33 bilyon ay mayroon nang coordinates, at ang bagong listahan na kasama ang P8.9 bilyong halaga ng ibang mga proyekto ay mayroon ding coordinates.
“In other words, they are removing P8.9 billion worth of projects that we approved with coordinates and replacing them with P8.9 billion worth of new or different projects, also with coordinates,” ayon kay Pangilinan.
Dahil dito ay nabahala si Senador Loren Legarda, at sinabing ang mga ahensya ng pamahalaan ay hindi dapat masanay sa last minute na pagpapalit ng mga item sa kanilang budget proposals.
“If the more than P8 billion worth of FMR were indeed essential for our farmers in the hinterlands, why was it not included in the [National Expenditure Program] or even in the [House’s General Appropriations Bill]? Even if you say there were coordinates, why did they swap?” tanong ni Legarda.
“I have to be enlightened, Mr. Chair—why, within three days of that conversation, is there suddenly a change of heart or a change of mind regarding FMR projects worth P8 billion?” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na ito ang unang pagkakataon na ang bicam ay humiling ng coordinates mula sa mga ahensya katulad ng DA.
Aniya, ang project items na mayroong specific coordinates ang bagong konsepto ng nagpapatuloy na budgeting.
“We’ve never asked for coordinates before. In previous budgets, it has always been lump sum.”
“So it is possible that, because this is the first time this is being requested, the preparations of these coordinates had to go through a process that created gaps,” dagdag ni Pangilinan.
Samantala, iginiit ni Legarda na ang mga ganitong kakulangan ay makakaapekto sa pagpaplano ng mga proyekto ng pamahalaan sa hinaharap.
Nabahala din siya na maaaring magaya ng ibang mga ahensya ang ginawa ng DA.
“Walang ganyan. Hindi nangyayari ‘yan noon, hindi ganitong kagarapal ang pagpapalit-palit… Baka maglapitan lahat ng ahensya ngayon, pwede pala magpalit, palitan namin lahat ng laman, pareho naman ng level eh,” ani Legarda.
“I’m sorry I have to express my disappointment and exasperation. There has to be some discipline in the government,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, meanwhile, na si Tiu Laurel ay umaakto bilang alter ego ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at may buong kaalaman kung paano patatakbuhin ang ahensya partikular na sa FMR projects.
Sa liham ng DA secretary, sinabi ni House Appropriations Chair Mikaela Suansing na ang bagong listahan ay kinabibilangan ng mga proyekto na pinili para sa kanilang kahandaan, angkop sa development priorities, at potential na mapalakas ang farm productivity, mabawasan ang post-harvest losses, at mapabuti ang market access sa mga magsasaka.
Matapos ang masinsinang diskusyon, inaprubahan ng bicameral conference committee ang mosyon na tumatanggap sa bagong listahan ng mga FMR project na pirmado ni Tiu Laurel. RNT/JGC