Home OPINION P96B HAWAK NG MGA KONGRESMAN PARA PAGKAKITAAN, SA PAMUMULITIKA

P96B HAWAK NG MGA KONGRESMAN PARA PAGKAKITAAN, SA PAMUMULITIKA

2
0

PALDO-PALDO na ang mga kongresman at magmumukha pa silang mga bayani sa taumbayan sa pagkakaroon ng P96 bilyong pondo sa 2027, na bahagi ng P190B insertion umano.

Binubuo ito ang P72 bilyong BIP o Basic Infrastructure Program o Local Infrastructure Program at ang P24B guarantee letter na pareho nilang hahawakan sa taong 2027.

Para sa mga hindi na kakandidato o mae-expire na ang kanilang mga termino sa 2028, may pabaon sila.

Sa BIP, may pabaon sila pag-alis sa pwesto sa pagkakaroon ng ghost projects gaya ng barangay road program sa mga karagatan o kikbak na 30 porsyento sa mga gagawing substandard na flood control project, tulay, multi-purpose building, eskwela at iba pa.

Para naman sa mga kakandidato pa, bukod sa kikita sila, may pondo pa sila sa pangangampanya sa 2028.

Sa paghawak sa mga guarantee letter, magiging bayani si kongresman at magkakaroon ng utang na loob ang mga benepisyaryong nagkasakit at itinakbo sa mga pribado o pay ward ng mga pampublikong ospital.

Pupunta lang sila sa opis ni kongresman at magkakaroon na ng guarantee letter bilang pambayad.

Maaaring sapat na ang halaga ng guarantee letter o makababawas nang malaki sa bayarin sa ospital .

Ngunit sa likod ng lahat, dapat malaman ng taumbayan kung saan nanggagaling ang mga pondong ito.

Manggagaling ito sa mga utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa na sa totoo lang, eh, mismong ang mga benepisyaryo at taumbayan ang magbabayad sa pamamagitan ng mga buwis at bayarin sa gobyerno.

Pinakamalaki ang manggagaling mismo sa buwis at bayarin ng taumbayan sa real property tax, buwis sa langis, sasakyan, negosyo, value added tax sa mga bilihin at marami pang iba na nanggagaling sa 110 milyong Pinoy.

Kaya pala nag-iiyakan sa tuwa ang mga hayop na ito matapos nilang maaprubahan ang P7.2 trilyong badyet para sa 2027.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here