NUEVA VIZCAYA, Philippines – Umaabot sa P9M halaga ang nadiskubre na plantasyon ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa bahagi ng Sitio Dangi, Barangay Kimbutan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PMajor Anthony Ayungo, Hepe ng Dupax del Sur PNP,.ang pagkadiskubre sa nasabing taniman ay dahil sa tulong ng mga residente na nagbigay ng impormasyon tulad ng mga apat na naunang sinirang plantasyon at nitong huli o panglima.
Umaabot sa 54,000 na piraso ng mga fully-grown marijuana plants na nakatanim sa mahigit 3,000 square meters ang matagumpay na nawasak ng mga awtoridad.
Ang matagumpay na marijuana eradication ay isinagawa sa pangunguna ng PNP Dupax del Sur, PDEA, 1st NVPFMC at 2nd NVPMFC, PDEG, NVPIU, 86th Infantry Batallion, PNP SAF, Media at Regional Intelligence Unit. (REY VELASCO)