Home HOME BANNER STORY Pabuya vs Sen. Bato, wala sa isip ng DOJ

Pabuya vs Sen. Bato, wala sa isip ng DOJ

37
0

MANILA, Philippines – Hindi kinokonsidera ng Department of Justice (DOJ) na maglaan ng reward money para sa makakapagturo sa lokasyon ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa.

Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na walang ganung konsiderasyon na tinitignan.

“Naniniwala po kami na mayroon pong pumapasok na ibat-ibang impormasyon sa atinglaw enforcement agent na tumutulong “, sabi ni Vida.

Nanawagan si Vida kay Sen.Bato bilang incumbent senator at dating Chief PNP na sumunod sa rule of law.

“Sa ginagawa niya po na hindi pagsuko at pagtupad sa warrant — syempre yung mga kababayan natin, ano ba yan, ano bang nangyayari,” ani Vida.

“Alam niya na kapag may arrest warrant, dapat sini-served at dapat sumusunod,” dagdag pa ng justice Secretary.

Samantala, muli namang ipinaala ng Chief Justice ang kaukulang parusa hinggil sa paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Justice kung saan kahit mga opisyal o nakaupo sa pwesto ay maaaring managot at maaari rin silang matanggal at hindi na maaaring maupo sa pwesto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here