Home SPORTS BANNER STORY Pacquiao, Gregorio nanguna sa pagbubukas ng Batang Pinoy

Pacquiao, Gregorio nanguna sa pagbubukas ng Batang Pinoy

383
0

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Pinanguhan ni Philipine Sports Commission Chairman Patrick “Pato” Gregorio, Pambasang Kamao Manny Pacquiao at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang makulay na pagbubukas ng 2025 Batang Pinoy dito sa Antonio Acharon Sports Complex.

Kasama rin sa pagbubukas si GenSan Mayor Lorelie G. Pacquiao na malugod na binati ang mga delegado ng palaro sa kanilang magandang siyudad.

Pinag-alab ang init ng apoy sa palaro, hinikayat ng Pinoy boxing legend ang mga batang atletang ibuhos at linangin ang kanilang talento sa pagsabak sa Batang Pinoy upang balang araw ay makapagdala ng karangalan sa bansa.

Ayon naman kay PSC Chairman Gregorio na umaasa siyang ang susunod na Olympian na magdadala ng gintong medalya para sa Pilipinas ay produkto ng Batang Pinoy.

“In the next five days you will compete. From grassroots to gold, from gold to greatness.” “Dapat sa 2028 Olympics sa LA, sa 2032 Olympics sa Brisbane, ang susunod na Olympian ay manggagaling sa Batang Pinoy,” ani Gregorio sa pagsasalita sa harap ng libo-libong batang atleta na lumahok sa pagbubukas ng palaro sa kabilang pagbuhos ng malakas na ulan.

Batay sa inilabas na record ng PSC, aabot sa 188 Local Government Units (LGUs) kung saan tampok ang 18,927 batang atletang may maximum age na 17 ang magbabanggaan sa upang mag-agawan sa gintong medalya sa kabuuang 27 sports events.

Agad namang magbabakbakan ang mga atletang sasabak sa swimming, badminton, basketball, cycling, gymnastics, judo, karatedo, muay, weightlifting,wrestling at wushu upang masungkit ang unang gintong medalya ng Batang Pinoy.

Bago ang pagbubukas ng Batang Pinoy, nagpahayag ng kahandaan ang Pasig City na ipagtanggol ang kanilang koronang inagaw sa four-time champions Baguio City noong 2024 Batang Pinoy sa Puerto Princesa City sa Palawan.RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here