MANILA, Philippines – Hindi pa nakapaghain ng counter affidavit si Senator Robin Padilla at iba pang respondents sa unang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ).
Ito ay matapos mapansin ng prosekusyon na may mga kulang pang dokumento ang PNP-CIDG na isinumite sa DOJ.
Pinasusumite ng karagdagang dokumento ang PNP-CIDG na siyang naghain ng reklamong obstruction of justice laban sa Senador
Itinakda ng prosekusyon ang susunod na Preliminary Investigation sa October 9 ngunit posibleng hindi na dumalo ang sendor kundi ang kanyang mga legal counsel na lamang.
Sa November 12 naman itinakda ang pagsusumite ni Padilla ng kaniyang counter affidavit at para ito mapanumpaan din.
Samantala, dumating din si Senator Bong Go sa harapan ng DOJ kung saan nagsasagawa ng programa ang mga taga suporta ni Sen. Padilla.
Hiling ni Go sa mga supporters na patuloy na suportahan si Padilla. Jocelyn Tabangcura-Domenden