Home HOME BANNER STORY Pag-aangkat ng baka, kalabaw galing Japan ipinagbawal ng Pinas

Pag-aangkat ng baka, kalabaw galing Japan ipinagbawal ng Pinas

MANILA, Philippines- Nagpatupad ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ng temporary ban sa pag-aangkat ng buhay na baka at kalabaw, maging mga produkto ng mga ito galing Japan kasunod ng outbreak ng lumpy skin disease (LSD).

Binigyang-diin ng DA ang kahalagahan ng import ban upang protektahan ang local livestock industry mula sa potensyal na panganib ng LSD—isang viral disease na nakaaapekto sa mga kalabaw at nagreresulta sa severe complications o pagkasawi.

Ayon sa World Organization for Animal Health (WOAH), ang LSD ay isang sakit ng mga baka na may sintomas na lagnat, “nodules” sa balat, mucous membranes at internal organs, emaciation, enlarged lymph nodes, oedema ng balat, at pagkamatay.

“The disease is of economic importance as it can cause a temporary reduction in milk production, temporary or permanent sterility in bulls, damage to hides and, occasionally, death,” anang WOAH.

Saklaw ng import ban ang live animals at mga produkto at by-products, kabilang ang unpasteurized milk at milk products, embryos, skin, at semen ng baka at water buffalos na ginagamit sa artificial insemination.

Hindi naman kasama sa ban ang mga produktong nakatalima sa Philippine import at health standards. Kabilang dito ang skeletal muscle meat, casings, gelatin at collagen, tallow, hooves at horns, blood meal at flour, bovine at water buffalo bones at hides, at pasteurized milk.

Base sa DA, iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang LSD outbreak sa World Organization for Animal Health noong Nobyembre 15, 2024. RNT/SA