Home HOME BANNER STORY Pag-alis ng VAT sa kuryente, suportado ng DOE

Pag-alis ng VAT sa kuryente, suportado ng DOE

123
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Energy ang mga panukalang alisin ang value-added tax (VAT) sa kuryente upang mabawasan ang gastusin ng mga konsyumer, ngunit iginiit na kailangan pa itong masusing pag-aralan.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, “Suportado ng DOE ang lahat ng layunin na naglalayong mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa, kabilang dito ang pag-aaral na bawasan o alisin ang VAT sa kuryente.”

Dagdag niya, “Will VAT removal lower electricity prices? It will,” ngunit nilinaw niyang hindi pa ito pinal at nasa mga economic managers at Kongreso ang desisyon dahil may malawak itong epekto sa ekonomiya.

“Nasa economic managers at Kongreso ito dahil may mas malawak na epekto sa ekonomiya,” aniya.

Sinabi rin ng DOE na ang tax policy ay saklaw ng Department of Finance at ng economic team ng gobyerno, at handa silang magbigay ng technical inputs para sa mga epekto nito sa sektor ng enerhiya.

Samantala, naghain si Sen. Risa Hontiveros ng Senate Bill No. 2076 na layuning alisin ang VAT sa system loss charges sa electric bills.

Ayon sa DOE, mahalagang balansehin ang pagbaba ng singil sa kuryente at ang kakayahan ng gobyerno na pondohan ang mga serbisyong pampubliko.

Giit din ng ahensya, dapat sabayan ang ganitong mga panukala ng mas malawak na reporma sa sektor ng enerhiya tulad ng mas episyenteng power generation, mas maaasahang grid, at mas matatag na kompetisyon upang matiyak ang abot-kayang kuryente sa pangmatagalan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here