Home NATIONWIDE Pag-atake sa mga mamamahayag sa marahas na protesta, binatikos ng PTFoMS

Pag-atake sa mga mamamahayag sa marahas na protesta, binatikos ng PTFoMS

293
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang karahasang naganap sa anti-corruption demonstrations sa Maynila nitong Linggo, kung saan marami ang nasaktan kabilang ang isang broadcast journalist na nasugatan habang nagsasagawa ng coverage.

“This incident highlights the urgent need to protect journalists, whose work is essential in ensuring the public’s right to accurate and timely information,” saad ni PTFOMS Executive Director Jose Torres Jr. sa isang pahayag.

Nangyari ang insidente nang makipagsagupaan ang mga nagpoprotesta sa mga pulis sa Ayala Bridge sa pagtatangkang makalapit sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang mga raliyista, na nakasuot ng mga ski mask at balaclava, ay naghagis ng mga bato at bote, sinunog ang mga gulong at isang motorsiklo ng pulis, at nagdulot ng dispersal operation.

Kabilang sa mga tinamaan ng projectiles sa kaguluhan ang DZBB reporter na si Manny Vargas.

Sinabi ni Torres na ang task force ay naninindigan sa National Press Club of the Philippines, na naunang nagbabala na anumang pag-atake sa mga miyembro ng media, sinadya man o hindi sinasadya, ay sumisira sa kalayaan sa pamamahayag at nalalagay sa panganib ang karapatan ng publiko na malaman.

“PTFOMS emphasizes the importance of strengthening safety protocols to better protect journalists. Their safety is non-negotiable and critical for ensuring a free, fair and transparent flow of information,” aniya.

“We will continue to push for stronger safety protocols and measures to safeguard members of the press, who risk their lives daily to keep the nation informed.”

Binuo ang PTFOMS noong 2016, mandato na tiyakin ang proteksyon ng mga manggagawa sa media at tugunan ang mga banta at karahasan laban sa mga mamamahayag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here