Home NATIONWIDE Pag-freeze ng $4B foreign aid ng Trump admin pinayagan ng US Supreme...

Pag-freeze ng $4B foreign aid ng Trump admin pinayagan ng US Supreme Court

224
0

UNITED STATES – Pinayagan ng US Supreme Court ang administrasyong Trump sa pag-freeze ng mahigit $4 bilyong foreign assistance na inilaan ng Kongreso.

Ayon sa SC, ang pagkilala nito sa kapangyarihan ng Pangulo sa foreign affairs ay nakikitang “outweigh the potential harm” na kinakaharap ng nakatakdang tumanggap ng tulong.

Sinabi pa na ang emergency order nito ay hindi isang pinal na determinasyon sa merito ng kaso ngunit pinapayagan ang pansamantalang pag-freeze sa paglalabas ng pondo habang nananatili ang kaso sa mababang korte.

“At issue is the allocation of power between the Executive and Congress over the expenditure of public monies,” ayon kay Justice Elena Kagan.

Ang emergency order nitong Biyernes ay inisyu nang “scant briefing, no oral argument, and no opportunity to deliberate in conference,” dagdag pa niya.

Ang epekto ng desisyon, ayon kay Kagan “is to allow the Executive to cease obligating $4 billion in funds that Congress appropriated for foreign aid, and that will now never reach its intended recipients.”

“Because that result conflicts with the separation of powers, I respectfully dissent,” dagdag pa.

Matatandaan na nang manungkulan si US President Donald Trump noong Enero ay nais nitong magkaroon ng mas malaking kontrol sa federal spending. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here