Home OPINION PAG-IBIG FUND ACQUIRED ASSETS SUPER SALE ABOT-KAMAY NA NG BAWAT PAMILYANG PILIPINO

PAG-IBIG FUND ACQUIRED ASSETS SUPER SALE ABOT-KAMAY NA NG BAWAT PAMILYANG PILIPINO

301
0

SA panahong tila napakalayo ng pangarap na magkaroon ng sari­ling bahay, nakapagbibigay pag-asa ang mga inisyatibang katu­lad ng Pag-IBIG Fund Acquired Assets Super Sale. Nakatutuwang sa loob lamang ng anim na Linggo, umabot sa halos pitong libong winning bids at purchase offers ang naitala, isang patunay na kapag ginabayan ng mahusay na pamamahala at modernong teknolohiya, nagi­ging mas abot-kamay ang pangarap ng bawat pamilyang Filipino.

Bilang bahagi ng media na matagal nang sumusubaybay sa mga proyektong pang-hou­sing ng Pag-IBIG Fund, masasabi kong isa itong malaking hakbang tungo sa tunay na “Bagong Pi­lipinas.” Hindi lang ito tungkol sa bentahan ng mga bahay, ito ay tungkol sa pagbibigay ng dignidad, seguridad, at pag-asa sa libo-libong manggagawa na araw-araw nagsisikap para sa kinabukasan ng kanilang pamil­ya.

Ang paggamit ng digital auction system ng Pag-IBIG Fund ay isang makabagong hakbang na dapat pamarisan ng ibang ahensya ng pamahalaan. Sa ha­lip na mahaba at magulong proseso, naging mas mabilis, mas malinaw, at mas ligtas ang paraan ng pagbili. Katunayan, higit 30,000 bagong miyembro ang nagrehistro para sa Bu­yer ID sa loob lamang ng isang buwan. Ibig sabihin, marami pa ring Filipino ang naniniwala na ang pamahalaan ay may kakaya­hang maghatid ng tapat at epis­yenteng serbisyo.

Sa ilalim ng super sale, malinaw na pinapaboran ang mga karaniwang mamamayan, lalo na ang mga kasalukuyang occu­pant ng acquired assets. Ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong bilhin ang kanilang tini­tirhan sa diskwentong presyo ay isang makataong hakbang. Hindi na nila kailangang lumikas o muling magsimula; sa halip, ma­bibigyan sila ng pagkakataong ayusin ang kanilang tahanan at maramdaman ang kapanatagan na “kanila ito.”

Ang ganitong mga progra­ma ay dapat tuloy-tuloy at pa­lawakin pa. Habang patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, dapat itong sabayan ng mahigpit na monitoring upang matiyak na bawat piso ng diskwento, bawat pabahay, at bawat kasunduan ay napupunta sa karapat- dapat na benepisyaryo.

Ang inyong “Agarang Serbisyo Lady,” ay naniniwala na ang tunay na tagumpay ng anumang programa ay nasusukat hindi lamang sa dami ng bilang o press release, kundi sa tunay na pagbabago sa buhay ng mga mamamayan. Sa bawat pamil­yang nagkakaroon ng sariling bahay, may bagong kuwento ng pag-asa, kasipagan, at panibagong simula.

Isang paalala ang programa ng Pag-IBIG Fund na kapag ang pamahalaan at mamamayan ay nagkakaisa, kayang abutin ang pangarap na noon ay tila malabo. Tunay ngang sa ilalim ng “Bagong Pilipinas,” may tahanan at kinabukasan para sa bawat Filipino.

Binabati natin si Chief Exe­cutive Officer Marilene Acosta sa napaka-ganda at epektibong programang ito.
Isa ito sa iyong legasiya sa iyong matapat na paglilingkod sa Pag-IBIG Fund. Sigurado na mas marami pang manggagawa ang magkakaroon ng interes sa super sale na ito, dahil ito ang kanilang pangarap na inyong ti­nutupad.

Sa ngayon, halos 7,000 pa­milya ang mayroon nang bahay sa nalalapit na Pasko. Isang ma­gandang regalo mula sa Pag-IBIG Fund na kailanman ay hindi nila malilimutan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here