MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy na ngayong araw, Agosto 28 ang pag-imprenta ng mga balota para sa Bangsamoro Parliamentary election sa Oktubre 13.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), bagaman naipasa na sa 3rd and final reading ang hatian ng 7 parliamentary seats na dating nakalaan sa Sulu ay hindi na ito mahihintay na maisabatas dahil hindi pa rin ito napipirmahan ng chief ministry ng BARMM.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ayaw nilang ma-delay at ayaw nilang masisi patungkol dito.
Sinabi ni Garcia na walang mababago tulad ng sa listahan ng kandidato, itsura ng balota at makikita pa rin ang option na ‘none of the above’ na nakabatay sa Comelec code.
Handa naman dumipensa ang Comelec sa lahat ng kanilang hakbang at maaaring lumapit sa Korte Suprema para umapela kung sa tingin nila ay may ginawang mali ang Comelec.Jocelyn Tabangcura-Domenden