Home NATIONWIDE Pag-imprenta sa mga balota sa special polls sa Antipopo sisimulan na ng...

Pag-imprenta sa mga balota sa special polls sa Antipopo sisimulan na ng Comelec

245
0

MANILA, Philippines – Maaari nang simulan ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa Special Election sa 2nd District, Antipolo City sa Marso 14, 2026.

Nitong Biyernes, Pebrero 6, lumagda ng memorandum of agreement ang Commission on Elections at National Printing Office sa tanggapan ng poll body sa Maynila.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kahit simulan kaya itong matapos hanggang sa araw ng Lunes, Pebrero 9 o makalipas lamang ng dalawang araw matapos lagdaan ang kasunduan.

Pagkatapos ay sasailalim pa sa verification ang mga balota para matiyak na maayos at malinis ito.

Target ng Comelec na matapos ang buong preseso sa printing balot sa loob ng lima hanggang isang linggo.

Sa datos ng Comelec nasa 300,000 ang botante sa ikalawang distrito ng Antipolo kabilang na dito ang mga nakakulong na nakapag parehistro na papayagang makaboto.

Isasagawa ang Special Election sa 2nd District ng Antipolo City para mapunan ang nabakanteng posisyon ng yumaong si Antipolro City 2nd District Rep. Romeo Acop. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here