Home HOME BANNER STORY Pag-photocopy ng mga perang papel, ibinabala ng BSP

Pag-photocopy ng mga perang papel, ibinabala ng BSP

1
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ilegal ang pag-photocopy o paggawa ng kopya ng mga perang papel ng Pilipinas nang walang pahintulot ng BSP.

Nilinaw ito ng BSP matapos kumalat sa social media ang maling pahayag na maaaring gamitin ang photocopied na pera bilang pambayad sa mga produkto.

Ayon sa BSP, batay sa Circular No. 829 (2014), bawal ang pag-print, pag-photocopy, pamamahagi, o paggamit ng larawan o kopya ng perang papel nang walang awtorisasyon.

Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng 5 hanggang 10 taon.

Pinapayagan lamang ng BSP ang pagkopya ng perang papel para sa edukasyon, kasaysayan, o numismatic (pag-aaral at koleksiyon ng salapi), at kailangan pa rin ng kanilang pahintulot. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here