MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Bam Aquino ang pangangailangang i-relocate ang malaking bahagi ng flood control budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2026 sa sektor ng edukasyon sa gitna ng imbestigasyon ng mga umano’y anomalya sa mga proyekto sa buong bansa.
Sinabi ito ni Aquino sa isang pahayag nitong Martes matapos ang kanyang inspeksyon sa Lakandula Elementary School at Dr. Adelaido C. Bernardo High School sa Mabalacat City, Pampanga, kung saan itinuro niya ang pangangailangan na magtayo ng mas maraming silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Aquino, chairperson ng committee on basic education, ang P275-bilyong proposed budget ng DPWH para sa flood mitigation ay maaaring mabawasan nang malaki, at ang pagbawas ay maaaring mailipat sa sektor ng edukasyon.
“We want to see a more organized flood control fund. As far as we can tell, the P275 billion will be reduced, it will be focused on the flood-prone areas. The amount that will be cut, we think it will be up to P100 billion, we want to put it into education,” saad ni Aquino.
Nauna rito, sinabi ni Sen Win Gatchalian, chair ng Senate committee on finance, na nais ng mga senador na ibasura ang P270-bilyong alokasyon para sa flood control kung hindi aayusin ng DPWH ang umano’y maanomalyang at ghost projects sa panukalang budget nito para sa 2026.
Sa parehong pahayag, inulit ni Aquino ang kanyang panawagan na bigyan ng awtorisasyon ang mga local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs) na magtayo ng mga silid-aralan sa buong bansa, sa halip na ilaan sa DPWH.
Itinutulak ni Aquino ang pagsasabatas ng kanyang panukalang Senate Bill No. 121, na kilala rin bilang Classroom-Building Acceleration Program Act, na naglalayong bigyan ng awtorisasyon ang mga LGU at NGO sa pagtatayo ng mga silid-aralan bilang pagsunod sa mga pambansang pamantayan at alituntunin sa loob ng kanilang mga nasasakupan, na may suporta sa pagpopondo mula sa pambansang pamahalaan.
“Let’s bypass the DPWH. Let’s give the funds to the LGUs and NGOs that have a track record in school building. We think the work will be faster and cheaper, at the right price,” binigyang-diin ni Aquino.
“We want to see these classrooms built, in the next 3 to 5 years, we can close our classroom gap. The only way we can do this is if many people build classrooms at the same time. If only one agency builds classrooms, we won’t finish,” dagdag niya.
Aniya, kailangang magtiwala ng gobyerno sa kakayahan ng LGUs at NGOs “that are determined to uplift education in their respective communities.”
“Let’s trust NGOs with a track record and LGUs who want to see better classrooms and education in their areas,” dagdag pa niya. RNT/MND