Home ENTERTAINMENT Pag-spoof kay Sarah Discaya, inaabangan na kay Bitoy!

Pag-spoof kay Sarah Discaya, inaabangan na kay Bitoy!

305
0

Manila, Philippines – Guess kung sino ang inaabangan ng mga netizens na gagawing spoof ni Michael V sa Bubble Gang.

Sino pa kundi ang kontrobersyal na si Sarah Discaya!

Nagkaroon nga ng comic relief sa gitna ng isinasagawang inquiry ng Senado tungkol sa mga kumpanyang pag-aari umano ng mag-asawang Discaya.

Nagkaganansya raw kasi ang mga ito sa pamamagitan ng bilyun-bilyong kita mula sa mga proyekto ng DPWH na nakalaan sana para tugunan ang problema sa flood control.

Ayon sa ulat, may siyam na kumpanyang kinokontrata ang pamilya Discaya para sa paggawa ng mga kalsada, tulay, at iba pang infrastructure projects.

Sa gitna ng pagdinig, umandar ang malilikot na isip ng mga netizens na nagsasabing magkahawig sina Sarah at Michael V.
Kilala si Michael V sa panggagaya ng mga kilalang personalidad, kabilang ang noo’y Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaya’t inaabangan ngayon ng mga netizens ang parody ng komedyante sa Bubble Gang.

Knowing Bitoy, walang kasing-taba ng utak niya!
(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here