Home NATIONWIDE Pag-turn over ng ari-arian ni Cabral, may lapses – SILG Remulla

Pag-turn over ng ari-arian ni Cabral, may lapses – SILG Remulla

297
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nagkaroon ng lapses nang ibigay ng pulisya ang mga gamit, kasama ang cellphone, ng dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral sa kanyang pamilya matapos siyang matagpuan patay sa ravine sa Benguet.

Sinabi ni Remulla na bagama’t crime scene ang lugar, ginagawa na ng pulisya ang lahat para makuha ang mga materyales para sa imbestigasyon.

Ang cellphone ni Cabral ay hihingin sa pamilya para ma-analyze.

Tinukoy din ng PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na madali lang alisin sa posisyon ang mga pulis, ngunit hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon.

Ayon sa Benguet Police, naibigay na sa pamilya ni Cabral ang kanyang mga gamit at sasakyan, ngunit ang cellphone ay nasa kanila pa.

Pinayuhan ang pamilya na huwag burahin ang anumang impormasyon sa cellphone.

Iniutos rin ng Ombudsman na masiguro ang pagkuha sa lahat ng gadgets ni Cabral.

Sinabi ni Nartatez na ang driver ni Cabral ay itinuturing na person of interest, kasama ang iba pang posibleng may impormasyon sa insidente.

Dapat ding masuri ang sasakyan at iba pang ebidensya sa lugar ng pagkahulog.

Plano rin ni Remulla na sumailalim sa DNA test at autopsy ang labi ni Cabral upang matiyak ang pagkakakilanlan at tukuyin ang sanhi ng pagkamatay.

Batay sa paunang ulat, walang senyales ng foul play, ngunit tumanggi ang pamilya sa autopsy.

Susuriin din ang mga computer at laptop ni Cabral sa tulong ng subpoena mula sa Sandiganbayan, Ombudsman, o NBI.

Natagpuan si Cabral noong Huwebes ng gabi, hindi na tumutugon, 20–30 metro sa ilalim ng highway sa Kennon Road.

Si Cabral ay nagbitiw noong Setyembre 2025 sa gitna ng imbestigasyon sa anomalous flood control projects at alegasyong kickbacks sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here