Home NATIONWIDE Pag-udyok sa mayorya sa Kamara na patalsikin si VP Sara pinabulaanan

Pag-udyok sa mayorya sa Kamara na patalsikin si VP Sara pinabulaanan

139
0

MANILA, Philippines- Walang nagla-lobby sa majority bloc sa Kamara kaugnay ng impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V.

Giit ni Ortega, nakatuon ang atensyon ng Kamara sa paggawa ng batas at sa mga idinaraos na hearing kabilang dito ang  House Committee on Good Government and Public Accountability na nag-iimbestiga ng  iregularidad sa paggastos sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) gayundin ang imbestigasyon ng Quad Comm sa extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ilegal na operasyon ng POGO at kalakalan ng ilegal na droga.

“Hindi pa po namin napag-uusapan as a group and as the majority hanggang ngayon. So never pa namin napag-usapan ang impeachment,” paliwanag ni Ortega.

Isinantabi naman ni Ortega ang espekulasyon na maiimpluwensyahan ng religious organization ang desisyon ng Kamara sa impeachment.

“Lahat, lahat naman po ng sektor. Siyempre po pag policy-driven kayo, legislative ang trabaho niyo, you will consider po lahat ng boses ng lahat ng sektor,” giit ni Ortega.

Sa ngayon ay dalawang impeachment complaint ang naihain sa Kamara. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here