Home NATIONWIDE PAGASA ‘di dapat sisihin sa kawalan ng preparasyon ng LGU vs kalamidad...

PAGASA ‘di dapat sisihin sa kawalan ng preparasyon ng LGU vs kalamidad – solon

178
0

MANILA, Philippines- Hindi dapat sinisisi ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kawalan ng preparasyon local government units (LGUs) sa panahon ng kalamidad, partikular sa pananalasa ng bagyo tulad ng nakaraang Kristine.

Sa press briefing nitong Martes, iginiit ni Senate President Francis Escudero na maaaring makuha ng LGUs ang apps upang palakasin ang kanilang weather monitoring at maghanda kaagad sakaling lumakas ang bagyo.

Aniya, isa ito ang kanyang ipinatuapd sa pamamahala bilang gobernador ng Sorsogon isa sa pinakamatinding hinagupit ng bagyong Kristine.

“I think PAGASA is doing a good job. There is no reason to bash them or to blame them for this. At the end of the day, sufficient information is available whether through PAGASA or other weather forecasting apps na para malaman ng ating mga kababayan at LGU kung ano nga ba ang kailangang paghahanda na gawin nila,” ayon kay Escudero.

“Matatanda na tayo. Ang mga LGU alam na dapat ‘yan. Hindi na responsibilidad at hindi na nating pwedeng sisihin ang PAGASA na dapat hourly bigyan ng update ‘yung mga LGU. Trabaho ng mga LGU alamin by the hour, on the hour, every 10 minutes kung kamusta na nga ba ‘yung kalagayan ng panahon. Hindi para sa PAGASA na obligahin ‘yung mga LGU na gawin yan,” giit pa na.

Sinabi pa ni Escudero na maaaring gamitin din ng ordinaryong mamamayan ang social media sa panahon ng kalamidad na kung saan mayroong sapat na impormasyon na maaaring gamitin.

Sa anim na lalawigan ng Bicol region, ayon kay Escudero, tanging Albay at Camarines Sur ang pinakamatinding hinagupit ni Kristine kaya kailangan magkaron ng pagbabago at preparasyon na dapat paiigtingin.

Payo pa  ni Escudero, muling bisitahin ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP) upang maiwasan ang matinding pagbaba sa rehiyon sa panahon ng kalamidad.

Nakatuon ang BRBDP sa pagpapaunlad ng rehiyon base sa kinakailangan ng lugar na inilunsad noon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here