SINABI ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na layon niya na baguhin ang kasalukuyang disenyo ng reserve forces paradigm ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa naging paliwanag ng Kalihim, hindi na balido ang kasalukuyang disenyo lalo na sa mga banta sa bansa.
Aniya pa, maaaring maharap ang Pilipinas sa ‘unknown incoming threat” na maaaring ipanawagan sa mga mamamayan na magtulungan para ipagtanggol ang bansa lalo na pagdating sa ‘aerial at maritime defenses.’
Samantala, welcome naman kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang ‘revision plans.’
Tinuran nito na nais niyang i-develop ang kabuuang puwersa, ibig sabihin ay ang pinagsamang regular at reserve forces ng Pilipinas, sakali’t may unprecedented emergencies o mga pagbabanta. Kris Jose