Home LIFESTYLE HEALTH Pagbabakuna laban sa nakamamatay na sakit, pinabilis -DOH

Pagbabakuna laban sa nakamamatay na sakit, pinabilis -DOH

275
0

MANILA, Philippines – Pinabilis ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna upang masiguro na kumpleto sa bakuna ang mga chikiting at publiko laban sa mga nakamamatay na malalang sakit.

Sinabi ng DOH na handa silang tumugon sa direktiba ng Pangulo para sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa bukod sa isinagawang pagbabakuna sa mga health center at mga paaralan, nagbabahay bahay na rin ang DOH sa tulong ng lokal na pamahalaan para matukoy ang mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna at sila ay mabakunahan.

Target naman aniya na mabakunahan ang 95% ng 2 milyong kabataan kada taon.

Ayon kay Herbosa, dapat makumpleto ang 16 na uri ng bakuna laban sa ibat ibang sakit na nakamamatay tulad ng tigdas, Rubella, polio, hepatitis at iba pa

Para naman sa school age, mayroong booster vaccine at bakuna din para sa cervical cancer na ibinibigay sa 9 na taong gulang na babae.

Maibibigay na rin ng libre ang bakuna laban sa cervical cancer sa mahihirap na pamilya na dati ay limitado lamang ang bakuna.

May bakuna rin ang DOH para sa mga nakakatanda sa ilalim ng national immunization program ng pamahalaan

Tiniyak ng DOH na makakabili sila ng sapat na bakuna at tiniyak na available ang bakuna sa lahat ng health center. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here