Home OPINION PAGBIBITIW HINDI SAGOT SA ANOMALYA

PAGBIBITIW HINDI SAGOT SA ANOMALYA

222
0

NABAWASAN nang konti ang pasan-pasang bigat sa anomalya sa flood control projects ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagre-resign ni House Speaker Martin Romualdez.

Si Senador Ping Lacson ang nagsabing nasa P1 trilyon ang pondo sa flood control projects sa tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, kasama ang 2025 na ang pondo’y naikalat at ginagamit na.

Aniya, nilalamon ng mga korap at mandarambong ang 60 porsyento ng P1 trilyon (kasama na ang kita ng mga kontraktor) at 40% lang ang ginagamit sa paggawa ng mga proyekto.

Lalong masama ang larawan dito kung isasama natin ang ghost projects.

Kung naging pabigat man kay Marcos si Romualdez, ang taumbayan naman ang talagang labis na nabibigatan sa pagbulsa ng mga korap at mandarambong sa mga pondo at proyektong sana’y ikaliligtas ng mga mamamayan sa mga baha at mga kalamidad na likha nito.

Hindi lang labis na pabigat kundi napakalaking kasalanan sa taumbayan ang gawa ng mga korap at mandarambong na nagbubunga kamatayan, pagkakasakit at kagutuman ng mga mamamayan sa baha, pagkasira ng ekonomiya o economic sabotage ng bansa, bansot na edukasyon ng milyones na kabataan sa pagkasira ng mga eskwela, teknolohiya at kagamitan sa baha at iba pa.

Oo nga’t nagbitiw ni House Speaker Martin Romualdez ngunit nananatili ang korapsyon at pandarambong at hindi ito nasolusyunan lalo’t walang pag-ako ng krimen si Romualdez, kasama ang ibang mga kongresman at tanging si Zaldy Co ang kanilang itinuturo sa pagkakaroon nito ng P13 bilyong insertion umano nito sa 2025 badyet.

Siguro makatutulong sa atin na intindihin pa ang buong pangyayari ang pahayag ni dating Senate President Chiz Escudero na “Katawa-tawa naman ang ginawa nila. Ang bilis naman nilang inabswelto si Speaker Martin Romualdez, ilaglag si Zaldy Co, ilihis ang isyu at ituro ang iba.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here