Home NATIONWIDE Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta ng mga grupo

Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta ng mga grupo

1
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng unang araw ng pagbubukas ng kalse ngayong June 8, ang mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay maagang nagsagawa ng kilos protest sa Mendiola.

Ito ay para ilantad ang lawak ng krisis sa edukasyon na patuloy na nagpapahirap sa pampublikong sistema ng edukasyon at nagpapabigat sa mga guro,kawani sa edukasyon at mga mag-aaral.

Ilan sa mga problemang ito ay ang kakulangan ng mga classroom, iba pang pasilidad, gamit sa mga paaralan at mga guro.

Bukod dito, tila napabayaan na rin ang pangakong salary increase sa mga pampublikong guro kung saan hiling nila na itaas sa P50,000 ang salaru entry level ng mga guro. 

Binigyan-diin din ng grupo na magpapatloy ang krisis sa pagkatuto hanggat patuloy na pinagakkaitan ng gobyerno ng kagyat na kailangan itong pondo angs ektor ng edukasyon.

Bukod dito, bawasan din sana ang workload ng mga guro na halos nauilubos na ang oras sa pagta-trabaho at napapabayaan na ang kalusugan at pamilya. 

Panawagan din nila na lahat ng sangkot sa mga anomalya at korupsyon ay panagutin sa batas. 

Matapos naman ang kilos protesta, papasok o babalik na rin ang mga guro sa mga paaralan at ipagpapatuloy ang protesta mamayang alas-5:00 ng hapon sa Welcome Rotonda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here