Home NATIONWIDE Pagbubukas sa mga balikbayan box pinabulaanan ng BOC

Pagbubukas sa mga balikbayan box pinabulaanan ng BOC

121
0

MANILA, Philippines – Wala umanong katotohanan na pinakikialaman o binubuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers na ipinapadala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Ito ang nilinaw ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa Kapihan ng Samahang Plaridel kasunod ng hinala ng publiko na binubuksan ito ng ahensya.

Paliwanag ni Nepomuceno, ito ay dumadaan lamang sa kanilang inspeksyon habang nasa loob ng mga container van at ididiretso sa warehouse ng logistic provider.

Dagdag pa, bubuksan at susuriin lamang ang mga balibayan box kapag nakitaan ito ng kahina-hinalang bagay pero nakaharap dito ang mga tauhan ng PDEA at iba pang concerned agencies.

Dagdag pa ni Nepomuceno na sa ngayon ay umabot na sa 35,476 balikbayan boxes ang naipamahagi sa buong bansa kung saan sinisiguro nila na makakarating ito nang maayos sa pamilya ng mga OFW habang pananagutin naman ang mga consolidator na nagpabaya o may kasalanan kaya ito naantala sa mga warehouse. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here