MANILA, Philippines – Iniurong bukas, araw ng Huwebes, Agosto 20 ang pagdinig ng Sandiganbayan para talakayin ang suspensyon ni Senador Rodante Marcoleta sa opisina.
Si Marcoleta ay nahaharap sa reklamong plunder at Republic Act No 7080 o Anti-Plunder Act, na nagtatakda ng preventive suspension sa sinumang opisyal na mahaharap sa ganitong kaso.
Dapat sana ay nitong Martes ang nakatakdang hearing ni Marcoleta ngunit nakansela sa masamang panahon.
“So far, it will still push through,” sinabi ni Atty Dennis Pulma, Third Division chairperson.
Noong Agosto 3 ay nagpasa si Marcoleta ng kanyang manipestasyon para pigilan ang pag-iisyu ng kanyang preventive suspension bilang senador bilang tugon sa kautusan ng korte noong Hulyo 22.
Nag-alok ang korte sa prosekusyon na sumagot sa manipestasyon ni Marcoleta “since there are substantial matters raised by Marcoleta on that pleading”, ayon kay Associate Justice Karl Miranda, Third Division chairperson. RNT/JGC