Home OPINION PAGGAMIT NG SSS PAYMENT REFERENCE NUMBER, KINAKAILANGAN NA!

PAGGAMIT NG SSS PAYMENT REFERENCE NUMBER, KINAKAILANGAN NA!

Nagsimula noong nakaraang buwan ng Hunyo 2024 ang paggamit ng PRN o payment reference number ang mga may utang o hiniram na loan para sa pabahay ng mga miyembro ng SSS o Social Security System kaya ang mga miyembro ay kinakaila­ngan magkaroon ng PRN.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ginagawa na nilang mas mapadali ang pagbabayad ng mga housing loan sa pamamagitan ng RTPL o real-time processing of loans, at agad-agad ang posting nito.

Ang PRN ay isang system-generated numbers gagamitin para sa isang loan billing. Makakakuha nito ang isang borrower na may loan sa Direct Individual Housing Loan Program, Direct Housing Loan for Overseas Filipino Workers, worker’s organization members, at TUM o trade union members.

Makikita ang PRN sa ipadadalang monthy billing sa kani­lang mga inirehistrong email addresses at mobile numbers. Kaya paalala ng SSS, siguraduhin na up-to-date ang inyong mga contact details sa SSS para matanggap ang PRN.

Maaari ring makakuha ng PRN sa SSS Housing and Acquired Assets Management Department, sa SSS Investments Accounting Department, at sa SSS  Member Loan Department sa main office sa Quezon City.

Paglilinaw ng SSS, bawat housing loan ay may kanya-kanyang PRN, kaya kung mayroong housing loan at mayroong housing repair and improvement loan, magkaibang PRN ang kanilang matatanggap na gagamitin sa pagbabayad.

Makukuha ang PRN tuwing “10th” day ng bawat ng buwan. Hindi na tatanggapin pa ang nag-expire na PRN, kinakailangan na muling kumuha ng panibago.

Base sa record ng SSS noong December 2023, mayroong 3,744 mortgagors ang SSS na may housing loan collectibles na Php 6.83 billion.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang SSS website o ang sumusunod na official social media pages ng SSS.

SSS Website : www.sss.gov.ph

Facebook: SSSPH – https://www.facebook.com/SSSPh

Twitter: PHLSSS – https://twitter.com/PHLSSS

Instagram: MYSSSPH – https://www.instagram.com/mysssph

YouTube: MySSSPhilippines – https://www.youtube.com/

MySSSPhilippines
Viber: MySSSPh Updates – For our Viber Community, you may join by clicking on this link: https://vb.me/cc389b