Home NATIONWIDE Paghahanda sa epekto ng El Nino ipinalalatag na ng mga mambabatas

Paghahanda sa epekto ng El Nino ipinalalatag na ng mga mambabatas

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan na si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na maging maagap sa nalalapit na El Nino upang maagapang mabigyan ng proteksyon ang mga magsasaka, mangingisda at ang suplay ng pagkain ng Pilipinas.

Binanggit ito ni Dy matapos niyang atasan ang House Committee on Agriculture and Food na magpa-briefing sa pamahalaan kaugnay sa mga inilalatag na paghahanda para dito.

“Huwag nating ipagsawalang-bahala ang usapin ng El Niño. Huwag po nating hintayin na maramdaman ng ating mga magsasaka at mangingisda ang epekto nito bago tayo kumilos. We need to be proactive.”

Mas maaga ay makabubuti aniya upang matiyak na nakalatag ang mga programa at ang mga tulong na ibibigay ng gobyerno apra sa lahat ng maapektuhan ng El Nino.

“Kailangan nating tiyakin na maaga pa lamang ay nakahanda na ang mga programa, tulong, at mekanismo ng pamahalaan upang maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga kababayan at ang ating suplay ng pagkain. Ang maayos at maagap na pagtugon ng pamahalaan ay kailangan upang masigurado natin na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino, mapanatili ang kabuhayan sa mga kanayunan, at mapalakas ang kakayahan ng ating mga komunidad na makabangon sa harap ng mga hamon ng klima.”

Ang House Agriculture na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark M. Enverga ay inatasan niyang makipagpulong sa Task Force El Niño upang mas maagang mabatid ng mga mambabatas kung ano ang mga nakahanda at nakalatag na programa at plano upang mabawasan ang masamang epekto na dulot nito sa sektor ng agrikultura.

Ayon naman kay Enverga naisagawa ang briefing dahil sa madalian ang kailangang inisyatiba sa atas na rin ni Speaker Dy kung saan binanggit nito na ang Task Force El Niño ay binuhay sa pamamagitan ng Executive Order No. 53 na inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“As we all know, the El Niño event poses a serious threat to our agriculture and fisheries sector. The looming dry spell can severely impact rice, corn, high value crops, and fish production threatening not only farmers and fisherfolks livelihoods but also our national food security.”

Dagdag pa ng kongresista na ang mitigation plans, intervention strategies, resource allocation, inter-agency coordination mechanisms, at ang balakid ay kanilang pag-aaralan upang masigurong maipatutupad ito ng maayos.

“Our farmers and fisherfolks cannot afford delays. We must ensure that plans, programs, and government interventions are in place to counter the impact of this life and livelihood threatening phenomenon on the most vulnerable sector our farmers and fisherfolk.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here