ALASKA – Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang bulubundukin at liblib na lugar sa pagitan ng Alaska sa Estados Unidos, at Yukon territory ng Canada nitong Sabado, Disyembre 6.
Ang lindol ay tumama 2041 GMT na agad sinundan ng magnitude 5.6 at 5.3 na aftershock.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 155 miles o 248 kilometro kanluran ng Whitehorse, kabisera ng Yukon, at 230 miles hilagang kanluran ng Juneau, kabisera ng Alaska.
Wala namang banta ng tsunami sa nangyaring lindol. RNT/JGC