Home ENTERTAINMENT Pagkakalat ni Maris sa game show, scripted?

Pagkakalat ni Maris sa game show, scripted?

233
0

Manila, Philippines- Mag-viral nga ang video ng paglalaro ni Maris Racal sa isang game show kung saan host si Luis Manzano.

Nandoon ang aktres para i-promote ang kanyang movie kasama ang ilang miyembro ng cast.

Sa challenge sa kanya, pinasagot siya ng isang fill in the blank question.

Sey ni Luis: “Kumpletuhin ang hit song ng ‘80s American pop group na Breakfast Club: Rico_______.”

Sa ekspresyon ni Maris, nataranta ito, nablangko at napabulalas ng “Rico, what?”

Hindi naman nagkamayaw sa pagkantiyaw ang audience at maging si Luis ay umasim ang mukha.

Expected kasing masasagot niya ang nasabing tanong dahil may konek at recall ito sa kanyang ex na frontman ng Rivermaya.

Hirit tuloy ng kibitzers, nablangko raw si Maris kay Rico Blanco.

May mga nagmamahadera namang nag-opinyon na ang maang-maangan na reaksyon ni Maris ay scripted para mapag-usapan ang kanyang movie.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“She is definitely over rico blanco.. I mean tuloy pa rin sila ni Anthony Jennings bwhahaha.”

“Na blanco siya”

“Same thoughts. Magaling na artista eh.”

“Can’t Buy Me Love pa lang nagmo-move on na si Maris kaya talagang over na yan haha.”

“Scripted. Pero nakakatawa yung Rico Blank hahahaha.”

“Anything for a spotlight hahaha.”

“Parang na disorient nga sya after nyan hahahaha.”

“Ang kalaaatt.”

“I think late din nya na realized hahaha.. ang cute nya.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here