Home HOME BANNER STORY Pagkakaroon ng quorum sa Senado noong Hunyo 3, ipinagtanggol ng mga law...

Pagkakaroon ng quorum sa Senado noong Hunyo 3, ipinagtanggol ng mga law dean, eksperto

1
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng grupo ng mga law dean, juridical scholars, at political theorists ang bisa ng kontrobersyal na sesyon sa Senado, at iginiit na ang demokrasya ay hindi lamang nakasalalay sa bilang kundi sa kakayahan ng institusyon na gumana at magampanan ang tungkulin nito.

Ayon sa kanilang manifesto, ang pagdalo ng 12 senador sa sesyon noong Hunyo 3—na nadagdagan matapos dumating si Francis Escudero—ay sapat upang makabuo ng quorum at magsagawa ng opisyal na transaksyon ng Senado, kabilang ang paghirang ng mga opisyal gaya ni Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Mariin namang tinutulan ng kampo ni Alan Peter Cayetano ang naturang hakbang, at sinabing ilegal ito dahil hindi umano nakaboto ang 13 senador na kinakailangan para sa lehitimong desisyon.

Giit ng mga pumirma sa manifesto, ang Konstitusyon ay nagsasabing quorum ay “majority of each House,” na dapat umangkop sa praktikal na sitwasyon tulad ng mga senador na hindi makadalo dahil sa detention o iba pang dahilan.

“To insist that he should be counted… is to accord someone who is evading arrest… the power to hold the entire legislature hostage,” ayon sa kanilang pahayag.

Binigyang-diin din nila ang Supreme Court case na Avelino v. Cuenco, kung saan kinilala ang 12 senador bilang sapat na mayorya sa isang aktibong sitwasyon ng Senado, gayundin ang 2015 precedent sa ilalim ni dating Senate President Franklin Drilon.

Ibinato rin nila ang pahayag na ang 13 boto ay hindi “magic number” para sa quorum.

“Since 12 of 23 senators have decided that Senator Sherwin Gatchalian is President Pro Tempore… then certainly there is no way that one who can count on only 11 votes… can continue to assert his leadership,” ayon sa manifesto.

Nilagdaan ang pahayag ng ilang kilalang legal at relihiyosong lider, kabilang si Archbishop Socrates Villegas, dating Supreme Court Justice Adolfo Azcuna, at mga dean mula sa iba’t ibang law schools.

Nanawagan din sila sa mga senador na ayusin ang sigalot at ituon ang pansin sa mga mahahalagang gawain ng Senado, kabilang ang nakatakdang impeachment trial ng bise presidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here