COTABATO CITY, Philippines – Sinisiyasat ng mga opisyal ng militar ng 6th Infantry Division (ID) ang sanhi ng pagkamatay ng isang 22-anyos na rookie na sundalo na nahimatay sa isang traditional reception activity sa headquarters ng 6th Infantry Battalion (IB) sa Datu Piang, Maguindanao del Sur noong Miyerkules, Hulyo 30.
Si Private Charlie G. Patigayon, na tubong Kolambungan, Lanao Del Norte, ay sinalubong kasama ng iba pang mga sundalo ng matataas na tauhan ng militar sa punong-tanggapan ng batalyon noong Miyerkules ng umaga, nang bigla itong bumagsak, ayon sa ulat ng militar.
Sinabi ni Lt. Colonel Roden Orbon, tagapagsalita ng 6th ID, na agad na isinugod si Patigayon sa Camp Siongco Hospital sa kampo ng 6th ID. “Unfortunately, he died the following day and the initial medical findings was kidney failure,” sabi ni Orbon.
“We are still investigating to determine if there are abuses against the young soldier,” dagdag pa niya.
Ayon kay Orbon “some senior Army personnel of the 6th IB” ay inalis mula sa kanilang mga post ngunit hindi pa nagbigay ng iba pang detalye.
“There are no indications of physical abuse but the family had already coordinated with the local police in Cotabato City for an autopsy report to support the ongoing investigation,” saad ni Orbon.






