MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Risa Hontiveros na magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon at control sa pagmamay-ari ng baril kabilang ang pamamaraan sa safekeeping pagkatapos ng magkasunod na school shooting sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na napapanahon ang paglikha ng mas mahigpit na regulasyon sa baril dahil natuklasan na madaling nakakakuha ng sandata ang mga kabataan na sangkot sa pamamaril sa kanilang paaralan galing sa kanilang kaanak.
Ayon kay Hontiveros, kailangan nang rebyuhin ang Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, partikular ang probisyon sa access at storage ng baril at bala.
“I, for one, really favor a stricter firearms regulation,” ani Hontiveros.
Giit ng senador na kapag nabawasan ang ilang ng baril sa bansa – hawak man ng tauhan ng gobyerno o sibilyan, lisensiyado man o hindi, maaaring makatulong na mabawasan ang insidenteng kinasasangkutan ng baril at karahasan.
Inilatag ni Hontiveros ang panawagan apat na araw pagkatapos ang shooting noong Agostso 18 sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School, na kung saan isang a Grade 8 student ang namaril ng kapwa Grade 10 student bago magpakamatay.
Nakuha ng shooter ang dalawang baril na pagmamayri ng ama nitong nagtatrabaho sa Bureau of Customs bilang kisang security official na nakatalaga sa Port of Zamboanga.
Aniya, pinatingkad ng insidente ang responsibilidad ng gun owner upang mailayo at maiwansan makuha ang baril ng kanilang anak at iba pang di awtorisadong mamamayan
“It is very important to have the knowledge and responsibility to secure the firearms so that their children or nieces and nephews cannot obtain them,” aniya.
Sangkot ang parehong insidente ang tauhan ng pamahalaan kaya nakakabahala ang safekeeping issue sa baril ng uniformed personnel.
Kamakailan, inihayag ng Philippine National Police ang pangangailangan sa mas mahig[it na control.
“There are still two that were licensed by the PNP. One was issued by the Bureau of Customs. But why and how was the child able to obtain them?” aniya.
Sinabi ni Hontiveros na nakikita ang problema na higit pa sa legally registered firearms.
“We’re only talking here about the registered, licensed and government-issued [firearms],” giit ng senador saka idinagdag na hinihintay pa ng kumpletong datos mula sa PNP Firearms and Explosives Office kung ilan ang baril na hawak ng sibilyan at pagkakaroon ng unlicensed weapons. Ernie Reyes