Home NATIONWIDE Pagliban kulang para magpatunay ng work abandonment – SC

Pagliban kulang para magpatunay ng work abandonment – SC

2
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang pagtanggal sa isang production utility worker dahil lang sa pagliban para masabing ‘abandonment’ at maging dahilan ng dismissal.

Sa 18-pahinang desisyon ng Third Division ng SC, inatasan ang kompanya at manpower agency na ibalik sa trabaho ang empleyado nang walang nabawas na seniority at benefits, pero walang back wages.

Kung hindi na posible ang reinstatement, idineklara ng SC na solidary na mananagot ang dalawa sa pagbibigay sa empleyado ng separation pay na katumbas ng isang buwang sahod sa bawat taon ng serbisyo, kung saan ang kahit anim na buwan ay bibilangin na isang buong taon, mula April 2015 hanggang sa maging final ang desisyon.

Bukod dito, inutusan din ang dalawa na magbayad ng nominal damages na P30,000.

Ayon sa SC, sinabi ng empleyado na una siyang kinontrata ng kumpanya at kalaunan ay inilipat sa manpower service provider nito.

Matapos siyang lumiban sa trabaho nang walong magkakasunod na araw dahil sa sakit, pinapaliwanag siya ng service provider.

Sinabi nito na ayon sa patakaran ng kumpanya, maaaring tanggalin ang mga empleyadong may hindi bababa sa limang araw na hindi maipaliwanag na pagliban.

Binalaan din siya na ang isa pang paglabag ay magreresulta sa AWOL notice.

Sabi ng SC, lumiban ulit ang empleyado nang siyam na araw, kaya nag-issue ang service provider ng AWOL notice.

Kasunod nito, nag-leave siya nang may pahintulot ng kanyang supervisor. Pero nang bumalik siya sa trabaho, pinagbawalan siyang pumasok sa trabaho.

Ayon sa SC, sinabi sa kanya ng kanyang foreman na idineklara na siyang AWOL. Dahil dito, nagsampa ang empleyado ng reklamo para sa iligal na pagtanggal.

Ibinasura ng Labor Arbiter ang reklamo, at pinagtibay ito ng National Labor Relations Commission at Court of Appeals.

Sa bahagi naman nito, binaliktad ng SC ang mga naunang hatol.

Ayon sa SC, ang abandonment ay kailangan may dalawang bagay: pagliban nang walang dahilan at malinaw na intensyon na iwanan na ang trabaho ngunit wala rito na nasabing mga kadahilanan.

Ang desisyon, na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, ay inilabas noong November 2025 at inilantad sa publiko noong June 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here