Home NATIONWIDE Paglikha ng 4K PCG uniformed positions oks sa DBM

Paglikha ng 4K PCG uniformed positions oks sa DBM

188
0

MANILA, Philippines- Upang palakasin ang pwersa ng Coast Guard ay magkakaroon pa ng karagdagang posisyon para magampanan ang mga tungkulin nito.

Ito ay makaraang aprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Mina Pangandaman ang paglikha ng 4,000 uniformed positions para sa Fiscal Year 2024 sa Philippine Coast Guard (PCG).

Binubuo ito ng 819 PCG officers at 3,181 non-officers.

Partikular na gagampanang tungkulin ng nilikhang posisyon ay ang maritime safety administration, marine environmental protection, maritime security and law enforcement, at maritime search and rescue.

Sinabi ni Pangandaman na importante ang tungkulin ng PCG kung saan bukod sa pagprotekta sa seguridad ng bansa, kasama rin silang tumutulong tuwing may kalamidad o sakuna.

Ang kahilingan ng PCG na magkaroon ng 4,000 posisyon ay bahagi ng target ng ahensya para sa taong 2024 sa ilalim ng kanilang 7-year Recruitment Plan at ang mga nabanggit na posisyon ay magpapataas sa bilang ng tauhan ng PCG sa 34,430 mula sa kasalukuyang 30,430. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here