Home NATIONWIDE Paglilitis sa malversation case ni Revilla, co-accused nagsimula na

Paglilitis sa malversation case ni Revilla, co-accused nagsimula na

87
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ngayong araw, Mayo 5, ang paglilitis ng Sandiganbayan sa malversation case ni dating Senador Bong Revilla at co-accused nito.

Noong nakaraang buwan ay tumestigo na ang mga witness ngunit para lamang ito sa bail hearing kung saan kailangang patunayan ng depensa na malakas ang ebidensya laban sa akusado para sa patuloy nitong detention.

Ang non-bailable case ay nag-ugat sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 milyon.

Sinabi ni Associate Justice Ronald Moreno na pinagbigyan ng korte ang mosyon ng prosecution team na i-recall si Jason Cruz, records custodian ng Department of Public Works and Highways, sa witness stand.

Ayon kay Prosecutor Maria Cristina Marallag-Batacan, magpipresenta ng logbook si Cruz na naglalaman ng mga ebidensya sa mga proyekto.

Nauna nang tumestigo si Cruz sa bail hearing noong Abril 7 kung saan iniabot niya ang mga dokumentong may kinalaman sa proyekto sa Pandi.

Napag-alaman na ang proyekto ay walang ‘visible structure’ sa pag-inspeksyon ng korte noong Abril 15.

Ang inspeksyon ay bahagi ng bail petition hearing ni Revilla at co-accused nito sa malversation case.

Nakapagpiyansa na si Revilla ng P90,000 para sa graft case ngunit nananatili sa kulungan dahil ang malversation case ay non-bailable.

Inaasahan namang ilalabas bukas, Mayo 6 ang resolusyon sa bail petition ni Revilla.

Makailang-ulit nang itinanggi ni Revilla ang kaugnayan niya sa korapsyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here