Home NATIONWIDE Paglimita sa ICC evidence, hiniling ng kampo ni Digong

Paglimita sa ICC evidence, hiniling ng kampo ni Digong

1
0

THE HAGUE, Netherlands – Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Trial Chamber na limitahan sa 10,000 items ang ebidensyang gagamitin ng prosekusyon sa kaso laban sa kanya.

Sa mosyon ni defense counsel Peter Haynes noong Setyembre 25, sinabi nitong umabot na sa 62,130 items ang ebidensyang isinumite ng prosekusyon, mula sa 5,275 items noong confirmation phase—katumbas ng 978% increase.

“The Prosecution disclosed 5,275 items of evidence in the confirmation phase. Having heard the Trial Chamber’s request for a tight case record, it then chose to expand this to 62,130 items at the time of writing, being a 978% increase,” ani Haynes.

Ayon sa depensa, kabilang sa kabuuang ebidensya ang mahigit 320,000 pahina ng dokumento at 1,000 audio-visual materials, na anila ay imposibleng ma-review nang maayos bago ang paglilitis.

Iginiit din ni Haynes na may mga problema sa kalidad at organisasyon ng ebidensya, kabilang ang maling descriptions at metadata, magkakahiwalay na pahina, hindi mabasang dokumento, duplicate files at mga audio at video na hindi pa naisalin o na-transcribe.

Hiniling ng depensa sa Trial Chamber na utusan ang prosekusyon na ayusin at i-triage ang mga dokumento at bumuo ng bagong case record na naglalaman ng mahahalagang ebidensya, kabilang ang exculpatory evidence, hanggang sa maximum na 10,000 items.

Nais ng depensa na matapos ito bago Oktubre 7, 2026, upang mapanatili ang nakatakdang pagsisimula ng paglilitis sa Nobyembre 30, 2026.

Ayon kay Haynes, nakatakda namang ihain ng depensa ang pre-trial brief nito sa Oktubre 30.

Nahaharap si Duterte sa mga kaso ng crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa kanyang war on drugs noong siya ay mayor ng Davao City at Pangulo ng bansa.

Mas maaga ngayong buwan, nagpasya ang ICC Trial Chamber III na manatili siyang nakadetine matapos makita ang posibilidad na maaari siyang tumakas o makagambala sa imbestigasyon o paglilitis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here