MANILA, Philippines – Matapos ang pagpanaw ni Emman Atienza, nagpaalala ang pamilya Atienza sa publiko laban sa mga hindi awtorisadong online solicitations na gumagamit ng pangalan ni Emman.
“Ang Pamilya Atienza ay nais linawin na sila ay hindi, sa anumang paraan, konektado sa anumang aktibidad, paniningil, o koleksyon na isinasagawa kaugnay ng lamay o pagpanaw ng kanilang minamahal na si Emman,” ayon sa pahayag.
Si Emman, isang TikTok content creator at artista ng Sparkle, ay naaalala sa kanyang katatawanan, tapang, at pagiging tunay.
Ipinaalala ng Sparkle na tiyaking beripikado ang anumang aktibidad na may kaugnayan dito, dahil wala pang opisyal na fundraising, at hinihikayat ang publiko na i-report ang kahina-hinalang mensahe o link.
Ang detalye ng lamay sa Manila ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon. Ipinahayag ni Kuya Kim ang pasasalamat ng pamilya,
“Maraming salamat sa lahat ng mga mensahe ng pag-aliw sa pamilya. Maaaring hindi namin masagot lahat pero pinahahalagahan namin kayo. Susunod ang detalye ng lamay sa Manila. Si Emman ay uuwi na.” RNT