Home NATIONWIDE Pagpapadala ng OFW sa Kuwait target ipatigil ng DMW

Pagpapadala ng OFW sa Kuwait target ipatigil ng DMW

MANILA, Philippines – Isinasalang ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mas mahigpit na hakbang, kabilang ang posibleng pagsuspinde ng deployment sa Kuwait, kasunod ng pagkamatay ni Jenny Alvarado, isang overseas Filipino worker (OFW), na nalunod sa usok ng nasusunog na uling kasama ang dalawang Nepali na domestic workers.

Ang pagkamatay ni Alvarado ay nagbigay-diin sa mga isyu ukol sa kondisyon ng mga Filipino domestic workers sa Kuwait, kung saan tinatayang 250,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho, at 90 hanggang 95 porsyento sa kanila ay nasa mga kabahayan, ayon sa datos ng DMW.

Kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na isinasagawa na ang pagsusuri sa mga polisiya sa deployment.

“Kami ay nire-review ang aming mga polisiya sa deployment at magpapatupad kami ng mga hakbang tulad ng posibleng pagsuspinde o paghihigpit ng deployment,” ani Cacdac.

Tinututukan din ng DMW ang mga pagkakamali sa proseso kasunod ng maling paghawak sa mga labi ni Alvarado.

Noong Enero 10, natanggap ng kanyang pamilya ang maling katawan. Ayon kay Cacdac, nire-rethinking nila ang kanilang service provider at mas pinapatalas ang mga proseso para sa pagpapadala ng mga labi, kabilang ang tamang kumpirmasyon bago ipadala ang mga ito. RNT