Home NATIONWIDE Pagpapalabas ng P145M tulong sa Mindanao quake victims minamadali na ng DBM

Pagpapalabas ng P145M tulong sa Mindanao quake victims minamadali na ng DBM

296
0

MANILA, Philippines – MINAMADALI na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P145 million na emergency funds para tulungan ang mga pamilyang apektado ng serye ng malakas na pagyanig dahil sa lindol na tumama sa Mindanao.

“On our part po, we are speeding up the release of a total of PHP145 million under the Local Government Support Fund, which our LGUs can use for disaster response and rehabilitation initiatives,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Bahagi ng pondo ay ang pagbibigay ng P150,000 na financial assistance sa pamilya ng bawat napaulat na nasawi.

“Our hearts go out to those who lost their loved ones. Napakahirap po ng sitwasyon na pinagdaraanan n’yo,” ayon sa Kalihim.

Ang pondo ay ipamamahagi sa mga sumusunod na lalawigan:

–Davao Oriental – P50 milyon

–Davao de Oro – P15 milyon

–Davao del Norte – P15 milyon

–Surigao del Sur – P15 milyon

–Agusan del Sur – P20 milyon

–Surigao del Norte – P15 milyon

–Dinagat Islands – P15 milyon

Ang bagong alokasyon ay bukod sa P2.341 bilyon na nauna nang ipinalabas ngayong buwan upang lagyang muli ang Quick Response Funds (QRFs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa nasabing halaga, P1 bilyon ang inilaan sa DPWH, habang P1.341 bilyon ang napunta sa DSWD, ipinalabas sa dalawang tranches—P625 milyon noong Oktubre 2 at P716.15 milyon noong Oktubre 8.

Samantala, tiniyak naman ng DBM sa publiko na pinananatili ng gobyerno na sapat ang resources para sa pagpapatuloy ng disaster relief ar rehabilitation efforts sa buong bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here