Home NATIONWIDE Pagpapatupad ng sub judice rule sa impeachment trial, dapat patas – Adiong

Pagpapatupad ng sub judice rule sa impeachment trial, dapat patas – Adiong

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang House prosecution na pantay na ipatupad ng Senate impeachment court ang sub judice rule, kabilang na kay Vice President Sara Duterte bilang respondent sa impeachment case.

Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, dapat ding mapansin ng impeachment court ang mga pahayag ni Duterte na nagpapahayag ng pagdududa sa korte at umano’y impluwensiya ng Pangulo sa Senado.

“I think it should be applied universally,” ani Adiong tungkol sa sub judice rule.

Giit niya, kung may mga prosecutor na pinadalhan ng show-cause orders dahil sa umano’y paglabag sa mga restriction ng korte, dapat ding pareho ang pamantayan sa respondent.

“If we are really to set the standard for all parties involved in this impeachment trial to observe with due diligence, avoiding violating the sub judice, it would also be applied to the respondent herself,” ani Adiong.

Noong Huwebes, Sept. 17, kinumpirma nina Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon at private prosecutor Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na nakatanggap sila ng show-cause orders kaugnay ng umano’y paglabag sa sub judice rule.

Depensa ni Adiong, ang mga pampublikong pahayag ng prosecution tungkol sa paglilitis ay paglilinaw lamang sa mga usaping natalakay na sa proceedings.

Hindi pa aniya napagpapasyahan ng prosecution panel kung pormal nilang ihahain sa impeachment court ang kanilang concerns.

“Hindi pa po napag-usapan kung ano ang magiging course of action ng prosecution,” ani Adiong.

Gayunman, kinilala niya na nasa impeachment court ang kapangyarihang magpasya kung ang mga pampublikong pahayag ay lumabag sa mga itinakda nitong restriction. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here