MANILA, Philippines – Mananatili ang desisyon ng Sandiganbayan na ipawalang sala aa kasong indirect bribery at direct bribery si Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada.
Sa walong pahinang resolusyon ng Special Fifth Division ng anti-graft court, ibinasura ang motion for reconsideration ng prosekusyon maging ang motion to expunge ni Estrada dahil sa kawalan ng merito.
Agosto nang baligtarin ng anti-graft court ang desisyun nito at inabswelto si Estrada sa isang bilang ng kasong direct bribery at dalawang bilang ng kasong indirect bribery dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nag-ugat ang kaso sa P183 million na umano ay kickbacks mula sa mga peke na proyekto kasabwat ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Hindi napatunayan ng prosekusyon ang guilt beyond reasonable doubt ni Estrada. Pinuna ron ng korte na salat ang mga ebidensya na magpapatunay na ipinadala ang mga kickback kay Estrada.
Sinabi ng korte na natalakay na ng korte ang mga isyus na binanggit ng prosekusyon sa kanilang MR.
“There is no need to belabor the same. It would be a useless ritual for the Court to reiterate itself,” nakasaad sa desisyon.
Sinabi ng Sandiganbayan na double jeopardy kay Estrada kung muling diringgin ang kaso.
Sa pagbasura naman sa hirit ni Estrada na alisin sa rekord ng kaso ang apela ng prosekusyon, inihayag ng Special Fifth Division na mali ang naging palagay ni Estrada para sa kanyang argumento. Teresa Tavares