Home NATIONWIDE Pagpasa ng OFW Remittance Act tiniyak

Pagpasa ng OFW Remittance Act tiniyak

151
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at AGIMAT Party-list Rep. Bryan Revilla na lulusot na sa committee level ang panukalang House Bill (HB) No. 275 o OFW Remittance Protection Act na nagsusulong na tanggalin na ang fee sa remittance na ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers(OFws).

Ngayong araw, Pebrero 24, ay tatalakayin ng komite ang panukala.

Ayon kay Revilla, hindi na dapat mabawasan ang remittance na ipinapadala ng mga OFWs sa kanilang pamilya.

“Literal na dugo’t pawis ang kanilang puhunan dito. Kahit mukhang maliit ang isang porsyento, ramdam pa rin ito sa bulsa lalo na sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin” ani Revilla.

Tinukoy nito ang datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagsasabi na 95 porsiyento ng OFW remittances ang nagagastos sa pagkain at iba pang pangangailqangan ng pamilya.

“OFW remittances are more than economic statistics. Ito ay pagkain sa mesa, matrikula ng mga anak, at panggastos sa araw-araw. Kapag may bawas, kabuhayan agad ang tinatamaan,” sinabi pa ni Revilla.

Sa ilalim ng HB No. 275 ay magkakaroon ng comprehensive frameworkpara masiguro na ang mga OFW remittances ay mapoprotektahan laban sa mataas na exchange rates at charges gayundin ay mapatawan ng parusa ang mga financial institutions na magpapataw ng sobra sobrang fee.

“We will establish a system-wide protection that will shield remittances from unexpected external charges and unfair domestic practices,” paliwanag ni Revilla. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here