Home METRO Pagputol ng matatandang puno para sa SALEX, kinondena ng envi groups

Pagputol ng matatandang puno para sa SALEX, kinondena ng envi groups

39
0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga environmentalist mula sa Kalikasan People’s Network for the Environment at iba’t ibang civil society organizations sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila nitong Martes, Mayo 26, 2026, upang kondenahin ang pagputol ng mga puno na ilang dekada o taon nang nakatayo upang bigyang-daan ang 40.62-kilometrong Southern Access Link Expressway (SALEX).

Sa kanilang pagkilos, binigyang-diin ng mga grupo ang umano’y patuloy na pagkasira ng mga urban trees dahil sa malalaking proyektong imprastraktura.

Inakusahan din nila ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na umano’y nagpapahintulot sa tinatawag nilang pattern ng sabwatan sa pagitan ng malalaking interes sa negosyo at ilang opisyal ng pamahalaan, na nagtataguyod umano ng mga proyektong imprastraktura na higit na nakatuon sa tubo ng korporasyon kaysa sa pangangailangan ng publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here