Ang Office of Civil Defense (OCD) ay nagsusulong para sa pagsasama ng tsunami scenario sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill upang mapabuti ang kahandaan ng publiko, kasunod ng serye ng mga lindol sa baybayin ng Ilocos Sur.
Binigyang-diin ni OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno ang pangangailangang isama ang tsunami drills sa National Simultaneous Earthquake Drill para mas maihanda ang mga komunidad para sa mga potensyal na panganib sa tsunami. Ang rekomendasyong ito ay makaraang naitala ang 186 offshore na lindol sa Ilocos Sur, mula 1.8 hanggang 5.0 ang magnitude.
Binigyang-diin ni Nepomuceno ang posibilidad ng tsunami, partikular na mula sa mga lindol sa labas ng pampang na may magnitude 6.5 o mas mataas sa kahabaan ng Manila Trench.
Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay nagtatrabaho sa tsunami modelling para magbigay sa mga komunidad ng impormasyon tungkol sa inaasahang pagbaha at taas ng alon. Ang isang briefing mula sa Phivolcs tungkol sa mga makabuluhang trenches sa buong Pilipinas ay naka-iskedyul para sa Enero 2025.
Samantala, inatasan ni Nepomuceno ang lahat ng OCD regional offices na ipaalam sa mga local government units ang paggamit ng mga mapa ng HazardHunterPH at suriin ang mga contingency plan para sa mga potensyal na emerhensiya. RNT