Home NATIONWIDE Pagsasama ng Bagong Pilipinas hymn sa flag ceremony binubusisi pa ng Senado

Pagsasama ng Bagong Pilipinas hymn sa flag ceremony binubusisi pa ng Senado

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan pa ng Senate secretariat ang pagsasama ng Bagong Pilipinas hymn at pledge sa flag ceremony ng Senado, ayon kay Senate President Francis Escudero nitong Linggo.

Inihayag niya ito matapos maglabas ng kautusan ng Kamara na nananawagan sa kapulungan na isama ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa kanilang flag ceremony.

“I personally see no problem including it in the flag-raising ceremony but we are still in the process of having it studied by the secretariat. I have yet to receive their recommendation and or comments,” ani Escudero sa isang text message sa mga mamamahayag.

Nauna nang inihayag ni Escudero na hindi siya tutol sa June 4 order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama ang hymn at pledge sa flag-raising rites ng mga opisina ng gobyerno.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 52 na lahat ng ahensya ng pamahalaan, kabilang ang government-owned and/or controlled-corporations at educational institutions, ay dapat isama ang “recital of the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge in the conduct of weekly flag ceremonies, subject to existing laws, rules and regulations.”

Hinihikayat din ang local government units na ipatupad din ito. Ernie Reyes