Home NATIONWIDE Pagsibak sa BuCor chief, pinasinungalingan

Pagsibak sa BuCor chief, pinasinungalingan

144
0

MANILA, Philippines — Nagbabala si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. nitong Huwebes, Pebrero 26, laban sa “fake news reports” na nagsasabing siya ay papalitan sa kanyang posisyon.

Sa inilabas na pahayag bilang tugon sa isang social media post na may logo ng isang pahayagan hinggil sa umano’y kanyang pagpapalit, sinabi ni Catapang: “We are in an age when misinformation spreads like wildfire. It is crucial for the public to remain vigilant and discerning.”

Hinimok niya ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikitang post sa social media at tiyaking sa mga mapagkakatiwalaang news source lamang kukuha ng impormasyon.

Tiniyak din ni Catapang na patuloy na lalabanan ng BuCor ang fake news upang maprotektahan ang reputasyon at integridad ng ahensya at iba pang institusyon ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang BuCor sa pagtupad sa mandato nito at “our focus remains on our goals and the positive impact we strive to make.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here