MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court ang pagsibak sa tungkulin ng isang opisyal ng Office of the Ombudsman na sangkot sa case fixing kapalit ng salapi.
Sa desisyon ng SC Third Division, sinang-ayunan nito ang desisyon ng Court of Appeals na matangal sa pwesto si Rolando B. Zoleta dahil sa mga kasong Grave Misconduct, Serious Dishonesty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Si Zoleta ay dating Assistant Ombudsman for Luzon before bago naitalaga sa Appeals Bureau of the Office of the Special Prosecutor.
Taon 2017 nabuking na si Zoleta ang nasa likod ng pagbasura sa mga kaso laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan habang nakabinbin ang mga kaso nito sa Ombudsman-Luzon, Ombudsman for the Military at iba pang Law Enforcement Offices.
Idineklara ng SC na may sapat na ebidensya na nagpatunay na sangkot si Zoleta sa katiwalian.
“Zoleta had the capability and the position to influence cases since he was tasked to handle both trial and appellate work at the Office of the Special Prosecutor. He also had other related legal duties such as serving as member of the Commission on Audit-Ombudsman joint investigation team,” nakasaad sa desisyun ng SC.
Lumabas sa ebidensya ang text messages sa pagitan ni Zoleta at ni Leonardo Nicolas Jr., opidyal ng Intelligence Bureau-Field Investigation Office of the Ombudsman na aktual na humingi si Zoleta ng salapi kapalit ng pagsasaayos ng kaso.
Sinabi ng SC na sinira ni Zoleta ang pangalan ng Ombudsman at ang imahe ng public service. Teresa Tavares