Home SPORTS Pagsulpot ni Pringle sa RoS, ikinagulat ni Guiao

Pagsulpot ni Pringle sa RoS, ikinagulat ni Guiao

221
0

NAGULAT umano si Coach Yeng Guiao ng Rain or Shine nang biglaang mapunta sa kanilang kampo si Stanley Pringle, 18, isang beteranong manlalaro at dating PBA champion.

Inamin ni Guiao na hindi nila inasahan ang ganitong pagkakataon, lalo’t isa silang independent team na may limitadong budget.

“Alam naman namin na dehado kami kung paramihan ng alok,” ani Guiao. “Hindi kami pwedeng lumampas sa league maximum.”

Kaya nang kusa aniyang lumapit ang kampo ni Pringle, agad itong ikinagulat at ikinatuwa ng Elasto Painters.

Ayon kay Guiao, ang ahente mismo ni Pringle ang nagpakita ng interes sa isang kasunduan. Kaagad nilang ipinadala ang kontrata habang nasa Amerika pa ang Fil-Am guard na si Pringle, na agad din namang lumipad pabalik upang pirmahan ito.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here